Ano ba ang mga stem cells?


Tagalog Translation

Ano ba ang mga stem cells?

Ang katawan ng tao ay puno ng daang-daang uri ng selula, bawat isa’y importante sa pang araw-araw na gawain. Ang mga selulang ito ay responsable sa iba’t ibang mahahalagang proseso nang ating pangangatawan tulad nang pagtibok ng ating puso, pag-iisip, paglilinis nang ating dugo, pagpapalit ng selula ng ating balat, at iba pa.

Ang pinaka-importanteng gawain ng mga selulang ito ay ang paggawa nang panibago at iba’t ibang pang uri na selula. Halimbawa, ang mga stem cells sa ating mga balat ay maaaring gumawa nang mga panibagong skin cells. Lubos pa dito, ang pag-paparte ng mga stem cells ay maaring magtugma nang ibang trabaho tulad nang paggawa ng pigmentong melanin.

Bakit mahalaga ang mga stem cells sa iyong kalusugan?

Kapag tayo ay nagkasakit o nasaktan, nasisira din at namamatay ang ating mga selula. Sa ganitong pangyayari, nagiging-aktibo ang ating mga stem cells na siyang pumapalit sa mga nasira at patay na selula. Dahil dito, tayo ay nananatiling malusog at maiwasan ang mabilisang pagtanda. Ang mga stem cells ay maaari nating maihalintulad na maliliit na doktor ng ating sariling pangangatawan.

Ano ba ang mga iba’t ibang uri ng mga stem cells?

Maraming iba’t ibang uri ng stem cells. Ayon sa mga eksperto, ang bawat organo sa ating katawan ay may sariling uri ng stem cells. Halimbawa, ang ating dugo ay galing sa mga hemotopoietic stem cells. Makikita rin natin ang mga embroyonic stem cells sa mga unang yugto sa paglaki ng sanggol na maaring magamit sa pag-debelop ng mga organo at tissues sa ating katawan. Dahil sa bagong kaalaman na ito, nasabik at namanghanga ang mga siyentipiko sa potensyal ng mga stem cells. Kakaiba ang mga embryonic stem cells dahil maari silang lumago at magamit sa pagporma nang iba’t ibang klase nang selula. Halimbawa, ang isang blood stem cell ay maari lamang gumawa ng blood stem cell. Subalit ang isang embryonic stem cell ay maaaring gumawa nang selula para sa dugo, buto, balat, utak at iba pang bahagi nang katawan. Di tulad ng adult stem cells, natural na sa mga embryonic stem cells ang abilidad na gumawa nang ibang tissue at organo. Dahil dito rin ay magkakaroon ng kakanyahan ang mga embroyonic stem cells na ayusin ang mga napinsalang organo. Ang mga embryonic stem cells na ito ay tira-tira lamang sa mga ibang (pang-gamot ng pertalidad) fertility treatments na ilang araw pa lang ang tanda. Ang mga tirang ito ay kadalasang tinatapon at nasasayang.

Ano naman ang mga iPS o induced pluripotent stem cells?

Napukaw ang atensyon ng mga siyentipiko at mga duktor sa pagkatuklas ng panibagong uri ng stem cells. Sila’y tinatawag na induced pluripotent stem cells o iPS. Magkatulad ang gamit ng mga embryonic stem cells at mga iPS. Ang pinakamalaking pagkakaiba lamang ay ang kanilang pinaka-ugat na hindi na nangangailangan ng embryo. Dahil dito, maiiwasan ang mga etikal (ethical?) na isyu sa paggamit ng mga embryonic stem cells. Lubos pa dito ay maaaring magamit ang mga iPS sa transplantasyon nang mga stem cells. Ang iPS na ito ay makukuha, at maibabalik sa sariling katawan ng pasyenteng nangangailangan. Higit pa man, maiiwasan din ang negatibong reaksyon mula sa pagtanggi ng sariling selula sa mga panibagong stem cells mula sa transplantasyon.

Sa mga panahong darating, paano babaguhin ng mga stem cells ang panggagamot ng mga duktor?

Dahil sa natural na kakanyahan ng mga stem cells na pumalit sa mga nasira at lumang mga selula, napag-isipan ng mga siyentipiko na maaari silang magamit sa paggamot ng maraming kondisyong medikal. Kapag binigyan ang pasyente ng mga stem cells na may natural na kapasidad na tumubo, maaari silang magamit sa paggamot ng organo. Halimbawa, kapag ang pasyente ay nakaranas ng sakit sa puso, ang mga stem cells ay maaring magamit sa pagpapagaling sa puso.

Gayun pa man, limitado lamang ang kakanyahan ng mga natural na stem cells na magpagaling ng mga pinsala sa ating katawan. Tulad nang nasabing halimbawa, ang sariling stem cells ng puso ay maaari ring magpagaling ng ibang napinsalang organo at selula, ngunit ang transplantasyon nang milyon-milyong stem cells ay higit na mas epektibo. Dahil dito, ang transplantasyon ng stem cells ay makatutulong sa pagbubunsod ng ating natural na kakanyahan at limitadong bilang ng stem cells. Ngunit bago ito maaaring magamit, kailangang siguraduhin ng mga siyentipiko ang kaligtasan ng proseso sapagkat maaari rin itong bumuo ng mga tumor at iba pang komplikasyon sa ating immune system. Sa mabilis na panahon, magiging karaniwan ang pagpapagaling ng mga pasyente gamit ang  stem cell transplant. Ganun pa man, malaki ang posibilidad na umigi ang praktikalidad ng medisina gamit ang mga stem cells. Gayun din, malaki ang pangako na maaaring magamot ang mga malubha at laganap na karamdaman tulad ng cancer, sakit sa puso, Parkinson’s disease, Mutiple Sclerosis, Stroke, Huntington’s disease, pinsala sa spinal cord at iba pa dahil sa siyensya ng stem cells.

Anong mga klaseng panggagamot gamit ang mga stem cells ang mapakikinabangan ngayon at bakit karamihan ng mga doktor ay inirerekomenda na isaalang-alang ito kaugnay ng pag-iingat?

Sa panahon ngayon, iilan lamang ang mga stem cell transplants na napatunayang ligtas at epektibo. Ang pinakamahusay na halimbawa ay ang transplantasyon ng bone marrow. Ngunit maraming iba pang hindi napatutunayang paggamot gamit ang stem cells ang ipinapabalita sa buong mundo. Nakakakuha ito ng malaking atensiyon sa media dahil sa mga tanyag na taong napapasailalim sa nasabing panggagamot. Gayun pa man, patuloy ang babala ng mga duktor at siyentipiko sa mga pasyente ukol dito. Kailangang maingat na alamin ng mga pasyente ang mga epekto at katangian ng transplantasyon sapagkat mayroon nang mga namatay dahil sa prosesong ito. Habang makatwiran ang pagsasaalang-alang ng lahat ng posibilidad, pinapayo ng mga eksperto na gamitin lamang ang mga stem cells sa mga malubhang kondisyon lamang at kung wala ng ibang opsyon matapos ang pagkonsulta sa duktor.

Translated by Jessica Gail Nario 

Subscribe to Our Newsletter

Subscribe to Our Newsletter

Be the first to know about the latest developments in stem cell and regenerative medicine research.

7 thoughts on “Ano ba ang mga stem cells?
”

  1. so para lng yan sa malubhang sakit pala…..pero if inject lng mn ipadaan sa dextrose hindi mn transplant.

  2. Pingback: Stem Cell Articles » Philippine Society of Endocrinology and Metabolism

Leave a Reply